Up Close and Personal, column AThis is a featured page

SITE NAVIGATION:
Home - Manny de Guzman, Jr.
Photography
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Paintings
Home - Manny de Guzman, Jr.

My Audio Video Demos
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Homebrewed
Projects and Techniques
My Tutorials
My Tutorial Videos
ABOUT ME:
Know how I came to be a journalist, photographer,
and artist...
SITE LINKS:
http://grendelderamos.wetpaint.com
GRENDEL DE RAMOS
Marikina City, Philippines
My Singer/ Fashion Model
http://destinypilkey.wetpaint.com
DESTINY PILKEY
Vancouver, Canada
My Canadian Singer Friend
http://airaderamos.wetpaint.com
AIRA MARIE DE RAMOS
Marikina City,Philippines
My Best Dancer
http://sikat.wetpaint.com
Group of Filipino Artists
Antipolo City,Philippines
My Art Group
This page contains news and schedules of events in the Art Circle, Entertainment, and any activites I am participating into.
MY OTHER SITES AND BLOGS:
My Talents/
Modeling Site:
http://teenmodels2007.wetpaint.com/
My YouTube Channel:
"mannydeguzmanjartist" YouTube Channel
My Imeem ChannelMy IMEEM Social Media Channel
Add me at:
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Novelas and Short Stories

1. Binhi ng ...Katutubong .....Lahi
"Seed of the Primitive Race" (unfinished Novel)
Note: This article is copyrighted.

This is a story of four friends who braved the dangers of a mysterious woods somewhere South of the
Philippines for a college research project. They were expecting a bunch of ghosts, unearthly creatures and paranormal activites. But what they faced instead is a vicious tribe. Three of them would narrowly escape, one will be kept captive. Eight years of painstaking rescue, they would soon discover that their captive friend became the leader of the tribe, and has somehow civilized the once nomads nature of 'Pulong-Pulong' tribe. But Dentor a.k.a. 'Apo Serang' has lost all his previous memory, and this poses great danger to the rescuers. The real twist has yet to come as a war triggered by greed for power and revenge will claim the life of our hero. In the end, justice will prevail. The throne will be succeded by a baby boy, Apo Serang's son, the seed of the primitive race... 'Binhi ng Katutubong Lahi'.
Read preview in tagalog)


2. The Flight to
.......187th Floor
(Short Story, Copyrighted)

Old Mr. Dodgie is new to the big city. And entering a tall and strange building proved to be a
gigantic step for him. Not just a huge step though, but rather a flight to heaven... Or down through the gate of darkness?

The 187th Floor poses some great mystery. Nobody seemed to know whether it exist in the Moon Tower building, as it was only a supposed 150 storey structure. Crazy? But old and innocent Mr. Dodgie soon discover it's existence and takes him to one-of-a-kind travel in different time dimensions. To his amazement, everything that he is yearning for is there - his childhood memories and his dreams. Could it only be his imagination driving him nuts, or is this a solution to all his longings for a good life? Is the 187th Floor for real or a dead end entrapping and engulfing him nearer to his doom? A spell binding mystery with a touch of humor, caters to most young adults.... The Flight to 187th Floor.
Read Preview.


3. Deadlock
Drive
(Soon to be reviewed, short story)

Published Work:

*Reagan Times
Community Newspaper


As the Editorial Consultant and Lay-out Artist of this newspaper, I am presenting this to my website. Please view the pages. I have two articles in Up Close and Personal column and has written an editorial at the Editorial Page.

Reagan Times is a community newspaper of Reagan Street, Cuesta Verde Village, Antipolo City.

Back to:
MY HO
MEPAGE

Email: mannydeguzmanjrartist.@yahoo.comTelephone No: (Philippines): (02) 660-1869
Up Close and Personal, column A
(This article appeared at Reagan Times Community Newspaper, March - June issue)
Mr. Walis, At Your Service!
ni Manny de Guzman, Jr.


Page 9
Nakilala siya bilang si Mr. Walis. Ngunit anuman ang itawag sa kanya, may ilang katangian na higit na magsalarawan sa kanyang pagkatao: may takot sa diyos, huwarang ama at asawa, may edikasyon sa trabaho, at higit sa lahat, masipag at masinop.
Mr. Walis at your service! Paglabas mo pa lamang ng iyong
tahanan tuwing umaga ay magigisnan mo na siyang naglilinis sa kanyang bakuran at kalapit na kalsada. “Cleanliness is next to Godliness”—Yan ang kanyang panuntunan sa buhay, kaya’t naging panata na niya ang pa- natilihing maayos at malinis ang kanyang kapaligiran. Araw-araw bago siya pumasok sa kanyang trabaho ay walang kawala kahit na isang munting dahon sa loob ng kanyang bakuran, bagay na namana sa kanya ng kanyang tatlong anak.

Si Ginoong Armando Manabat Manuel ay tubong Lubao
Pampanga. Sa maagang edad na 12, natutunan na nya ang trabaho sa bukid. Pagsasaka ang pangu- nahing kabuhayan ng kanilang pamilya. Anim silang magkakapatid. Ngunit isa lamang sa kanyang mga kapatid ang nagmana sa hilig ng kanilang ama sa pagtatanim.


Hindi naging madali ang bu- hay para kay Mang Manny. Nahinto
siya sa pag-aaral dahil na rin sa kakapusan ng salapi. Disisyete anyos na siya ng makatunton ng 1st Year Highschool. Sa kanyang pagtatapos ng Highschool sa edad na 21, dito na nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. Natuklasan niyang hindi pala pagsasaka ang nakalaan para sa kanya. Napagpasyahan niyang magtuloy na sa kolehiyo.



Nag-enroll siya sa kursong BS Education, ngunit dahil nga sa
kakapusan, anim na buwan lamang o unang semester ang kanyang itinagal dito.

Working student si Mang Manny noon. Pagkatapos ng klase ay
mekaniko naman siya sa isang motor shop sa Pampanga.

Dahil pagiging mekaniko ang hilig sapul pa nung pagkabata, ito
na rin ang kanyang napagpasyahang tapusing kurso. At hindi nga niya pinagsisihan ang pagkuha ng vocational course na Automotive Mechanic.


Nang Makatapos sa pag-aaral, napagpasyahan naman niyang makipag-
sapalaran sa Maynila. At dito na natupad ang kanyang mga mithiin sa buhay.

Taong 1975 nang siya’y mamasukan bilang mekaniko sa isang
motor shop sa Grace Park, Caloocan City. Dahil nga walang matutuluyan at baguhan lang sa Maynila, nag stay-in sya sa trabaho.


“Noong una akong mapadpad dito sa Maynila, wala akong tiyak
na patutunguhan o matutuluyan. Ang una kong hinanap ay ang simbahan ng Quiapo. Ipinagdasal ko na sana ay gabayan ako ng Poong Maykapal sa aking pakikipagsapalaran. At dini- nig naman ng diyos ang aking panalangin.” Paglalahad ni Mang Manny.


Taong 1976 nang mapasok siya sa BM Transit, at 1977 naman sa
DMG Company, isang kumpanyang dealer at distributor ng Volkswagen parts.


Nuong taong 1978, si Mang Manny at tatlo pa niyang kasama ay
nagtayo ng sariling negosyo. Ito ay kanilang pinangalanang Reliance Motor Service.

Makalipas ang isang taon, ay kinuha sya ng PLDT bilang
mekaniko sa plate maintenance ng mga service vehicles nito (hawak niya ang buong area ng Rizal). Dito na siya umasenso hanggang sa siya’y maging assistant super- visor (Job Grade 7).


Para kay Mang Manny, hindi lubos ang buhay kung walang
ipinag-lalaanan ng mga mumunting tagumpay. Kaya’t noong taong 1982, si Mang Manny ay ikinasal sa kanyang kababayang si Erlinda Tayag. Ang kanilang pag- mamahalan ay nagbunga ng tatlong anak, si Ivy na ngayon ay isa nang assistant pharmacist sa Mercury Drug, si Harvey na ngayo’y katatapos pa lamang ng kursong Mechanical Engineering, at si Lala na graduating naman bilang Nursing student.


Dahil nga lubos ang kabutihan, nagawa pa niyang pag-aralin ang
isa niyang pamangkin na si Aiza. Ito ay nakapagtapos din sa kursong Nursing.


Isang katangian na hindi maikakaila kay Mang Manny ay ang
kanyang pagiging “going- straight” o huwarang ama.


Kuwento ni Mang Manny: “Tuwing Biyernes ko lamang na-
kasama ang aking pamilya sa Pampanga nung mga panahong ako ay nasa serbisyo pa. Bukod pa dito ang dinanas kong sakripisyo sa mahabang trapik dahil na rin sa kasagsagan ng lahar nang pu- mutok ang Mt. Pinatubo noong taong 1991. Sa loob ng labinlimang taon natiis ko ang ganitong sitwasyon. Kaya nga’t nung lumaon ay nagdesisyon akong maghanap na ng matutuluyang malapit-lapit sa trabaho para hindi na ako ma- hirapan pang bumiyahe. Sa ganitong paraan, araw-araw ko pang makakapiling ang aking pamilya--‘quality time ika nga. At dito kami ngayon sa Antipolo napadpad.”


Marami kasi sa ating mga kababayan kapag nalalayo sa pamilya
ay natutuksong maghanap ng panandaliang aliw o di kaya’y naghahanap na ng ibang katuwang sa buhay dahil na rin sa pangungulila. Ngunit si Mang Manny, nanatiling tapat sa kanyang pamilya.


Ang pamilya Manuel ay may labindalawang taon nang
naninirahan sa Reagan, Street, Cuesta Verde. Ang kanyang pa- milya ay nakilalang may simpleng pamumuhay, may takot sa diyos, at may matatag na paninindigan


Tulad nga ng nakaugalian sapul ng kanyang pagkabata, Si Mang
Manny ay may kusa o boluntaryo sa trabaho at mabuting pakikisama, “Bata pa lang kasi ako, natuto na akong kumilos kahit hindi inuutusan. Masyado kase akong sensitibo kaya’t ayaw na ayaw ko ang napagsasabihan o napagagalitan”


Ngayon retirado na sa trabaho, mas malaki na ang magu- gugol
ni Mr Walis sa paglilinis ng kanyang kapaligiran, bagay na kanyang naging misyon sa buhay.


Payo niya sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon:
“Ibang-iba na ang panahon ngayon kumpara sa kinagisnan ko noon. Karamihan sa mga kabataan nga- yon ay mapupusok at maagang nagpapamilya. Mabuti sana kung ang lahat ng mga kabataang ito ay may maayos na pamumuhay at sapat na kakayahang magpalaki ng kanilang anak sa mabuting pamamaraan. Sana’y pag-isipan muna nilang mabuti ang kanilang pagpasok sa isang malaking responsibilidad tulad ng pagpapamilya. Ang pag-aasawa ay hindi isang kanin na iniluluwa. Sa mga magulang at mga kabataan, ito ang hiling ko: Panatilihin nyo sanang matatag at masigla ang samahan ng inyong pamilya. Palakihin ang inyong mga anak na may takot sa diyos. Dahil naniniwala ako na tayo bilang mga magulang ang dapat na magbigay sa ating mga anak ng unang edukasyon. At gayundin ang dapat na unang sumagip sa mga kabataan sakaling maligaw ng landas ay tayo ring mga magulang.”


Sa kasalukuyan ay abala si Mang Manny sa pagtataguyod ng
Balance Motor Works (BMW), isang negosyong kanilang itinayo kasama ng kanyang dalawa pang kaibigan bilang tugon sa paanyaya ng PLDT na maging contractor ng mga sasakyang pangserbisyo nito. Ito ay bilang pagtanaw ng natu- rang kumpanya sa kanyang ipina- kitang kahusayan sa trabaho. At matapos nga ang kanyang pag- retiro nuong 2004, hawak na niya ang pagmi-mentena ng lahat ng mga sasakyan ng PLDT sa buong area ng Rizal.



Si Mang Manny ay ilan lamang sa mga ulirang mamamayan ng
Reagan Street. Ang kanyang mga ipinamamalas na kabutihan ay bunga ng mahusay na pag- aaruga ng magulang. Ang wastong pagpapalaki ng anak ay hindi nasusukat sa yaman kundi sa tamang pagdidisiplina at mabuting pananaw sa buhay.


Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-asenso. Basta’t buo ang loob
at may pag- mamahal sa trabaho, lahat panalo. ‘Yan si Mr. Walis, at your service!’


My Next Article:

Up Close and Personal column: Florentina Carreon Tiotuico... Her Secret to a Happy Living.



Back to Reagan Times, March - June 2007 issue
Back to REAGAN TIMES Main Page
Back to my Home Page







mannydeguzmanartist
mannydeguzmanartist
Latest page update: made by mannydeguzmanartist , Nov 13 2008, 1:51 AM EST (about this update About This Update mannydeguzmanartist Edited by mannydeguzmanartist

40 words added
8 words deleted
8 images added
6 images deleted

view changes

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.