Binhi ng Katutubong LahiThis is a featured page

SITE NAVIGATION:
Home - Manny de Guzman, Jr.
Photography
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Paintings
Home - Manny de Guzman, Jr.

My Audio Video Demos
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Homebrewed
Projects and Techniques
My Tutorials
My Tutorial Videos
ABOUT ME:
Know how I came to be a journalist, photographer,
and artist...
SITE LINKS:
http://grendelderamos.wetpaint.com
GRENDEL DE RAMOS
Marikina City, Philippines
My Singer/ Fashion Model
http://destinypilkey.wetpaint.com
DESTINY PILKEY
Vancouver, Canada
My Canadian Singer Friend
http://airaderamos.wetpaint.com
AIRA MARIE DE RAMOS
Marikina City,Philippines
My Best Dancer
http://sikat.wetpaint.com
Group of Filipino Artists
Antipolo City,Philippines
My Art Group
This page contains news and schedules of events in the Art Circle, Entertainment, and any activites I am participating into.
MY OTHER SITES AND BLOGS:
My Talents/
Modeling Site:
http://teenmodels2007.wetpaint.com/
My YouTube Channel:
"mannydeguzmanjartist" YouTube Channel
My Imeem ChannelMy IMEEM Social Media Channel
Add me at:
Home - Manny de Guzman, Jr.
My Novelas and Short Stories

1. Binhi ng ...Katutubong .....Lahi
"Seed of the Primitive Race" (unfinished Novel)
Note: This article is copyrighted.

This is a story of four friends who braved the dangers of a mysterious woods somewhere South of the
Philippines for a college research project. They were expecting a bunch of ghosts, unearthly creatures and paranormal activites. But what they faced instead is a vicious tribe. Three of them would narrowly escape, one will be kept captive. Eight years of painstaking rescue, they would soon discover that their captive friend became the leader of the tribe, and has somehow civilized the once nomads nature of 'Pulong-Pulong' tribe. But Dentor a.k.a. 'Apo Serang' has lost all his previous memory, and this poses great danger to the rescuers. The real twist has yet to come as a war triggered by greed for power and revenge will claim the life of our hero. In the end, justice will prevail. The throne will be succeded by a baby boy, Apo Serang's son, the seed of the primitive race... 'Binhi ng Katutubong Lahi'.
Read preview in tagalog)


2. The Flight to
.......187th Floor
(Short Story, Copyrighted)

Old Mr. Dodgie is new to the big city. And entering a tall and strange building proved to be a
gigantic step for him. Not just a huge step though, but rather a flight to heaven... Or down through the gate of darkness?

The 187th Floor poses some great mystery. Nobody seemed to know whether it exist in the Moon Tower building, as it was only a supposed 150 storey structure. Crazy? But old and innocent Mr. Dodgie soon discover it's existence and takes him to one-of-a-kind travel in different time dimensions. To his amazement, everything that he is yearning for is there - his childhood memories and his dreams. Could it only be his imagination driving him nuts, or is this a solution to all his longings for a good life? Is the 187th Floor for real or a dead end entrapping and engulfing him nearer to his doom? A spell binding mystery with a touch of humor, caters to most young adults.... The Flight to 187th Floor.
Read Preview.


3. Deadlock
Drive
(Soon to be reviewed, short story)

Published Work:

*Reagan Times
Community Newspaper


As the Editorial Consultant and Lay-out Artist of this newspaper, I am presenting this to my website. Please view the pages. I have two articles in Up Close and Personal column and has written an editorial at the Editorial Page.

Reagan Times is a community newspaper of Reagan Street, Cuesta Verde Village, Antipolo City.

Back to:
MY HO
MEPAGE

Email: mannydeguzmanjrartist.@yahoo.comTelephone No: (Philippines): (02) 660-1869
(Note: This unpublished novel is copyrighted. Preview pages only. For more information, please contact me at the address and phone numbers provided at my HOMEPAGE)

Apat na kabataang minsa’y naligaw sa kasukalan.Magigiting,
matatapang… Bitbit ang sandatang kaalaman mula sa mundo ng kamalayan. Tatlo ang makababalik sa henerasyong kinabibilangan.
Ang isa’y maiiwan at haharapin ang panganib upang buhayin ang


Binhi ng Katutubong Lahi…

Nobela ni Manny de Guzman, Jr.

*****


Dear Sir,


Isa ako sa libo-libong tagatangkilik ng iyong mga akda.
Sumulat ako sa iyo dahil nais ko sanang mailathala, o kung papalarin ay maisa-pelikula ang makulay na buhay ng aking pinsan nuong siya ay kapiling pa ng mundong minsan ay kanyang minahal. Isa siyang bayani na nakaukit sa puso naming lubos na nakakakilala sa kanya, gayundin sa isang tribo sa Mindoro, isang lahi na kanyang binuhay minsang kami’y magkakasamang nakipagsapalaran upang tapusin ang isang proyekto nuong kami’y nasa kolehiyo pa. Isa siyang biktima ng sakim na kapalaran na nag-ugat sa walang saysay na inggit at pagka-uhaw sa kapangyarihan. Sana ay mabigyan mo ng kaunting panahon ang aking kahilingan.


Lubos na gumagalang,




Dr. Rogelio Salvador
Child Psychologist
UNICEF
Toronto, Canada

*****



Setyembre, 1985. Sa isang kasukalan sa Occidental Mindoro…

“Alulululu—wiyaaah!” Alulong ng mga katutubo habang sila ay nagpapaikut-ikot na
nagsasayaw sa harap ng nagliliyab na animo’y isang entabladong yari sa mga sanga ng punong-kahoy. Kangina lamang ay kanila itong pinuno ng mga tuyong dayami at duon inilagay ang nahimlay nilang kadugo. Ngunit makalipas ang mahigit tatlong oras ay halos isa na itong abo na tanging ang natitira na lamang ay mga buto na halos nagkabitak-bitak na rin sa init ng nag-aasong dingas.

Ilang saglit pa ay tumigil na ang pananangis. Huminto na ang pagsasayaw. Tapos
na ang ritwal. Isa-isa nang nagsilisan ang mga katutubo. Iiwan na nilang nakahimlay ang kanilang pinuno. Sa wakas, tapos na rin ang paghihirap nito. Sa wakas babalik na rin ito sa kanyang pinanggalingan at makakasama na ang kanilang mga ninuno.




At bukas ay haharapin ng mga katutubo ang pagsibol ng bagong umaga
.Bukas ay hihirangin nila ang kanilang bagong pinuno na siyang magsisilbing gabay sa kanilang pakikibaka sa mundong ganid at mapang-aping mga dayuhan na minsan sila’y hinamak at nilapastangan. Sa wakas, tapos na ang isang yugto ng kanilang kasaysayan. Nahimlay na ang isa sa pinakamatanda at pinakamagiting nilang pinuno.

*****



Ang kasaysayang ito ay bahagi na ng ating kultura. Ang
kagitingan ng ating mga sosyologo sa pagtuklas ng mga lahi na magiging bahagi ng ating lipunan, buhay man ang kapalit, ay sadyang hindi matatawaran. Nariyang sila ay maipit sa labanan sa pagitan ng dalawang tribong magkaiba ang prinsipyo at pananaw. O ‘di kaya’y mapaslang ng mga katutubong kanilang sinasamahan, sa pag-aakalang sila ay huwad o mga kalaban. Ngunit ang ilan nama’y nagwagi sa kanilang hangarin na bigyan ng kamalayan at edukasyon ang mga katutubo. Kung magkagayon, isa na namang lahi ang isisilang sa makabagong henerasyon.

Anupa’t ang akdang ito ay iniaalay sa mga bayaning
nagbigay ng kani-kanilang buhay alang-alang sa kinabukasan ng ating kulturang Pilipino. Silang naging bahagi na ng ating buhay at pag-aaral.

*****




(excerpts from the Final Chapter)

“Anak,” muling pakiusap ng ama. “Ngayong nagawa mo na ang iyong tungkulin sa
tribong ito, lubos kitang ipinagmamalaki. Iyan ang gusto kong gawin mo, ang magmalasakit sa kapwa. ‘Di magtatagal ay magiging laman ka ng pahina ng mga pahayagan. Makikilala ka anak. Sa tingin ko’y tapos na ang tungkulin mo dito. Tingin ko nama’y kaya na nila ang kanilang mga sarili. Ngayon nama’y kailangan mong harapin ang mundo at asikasuhin ang iyong mga mithiin sa buhay. Tumigil ang oras sa mga panahong nawala ka. Ngayon naman ang panahon upang ituloy ang iyong mga pangarap sa Maynila. Bumalik ka na sa amin anak.”


Sa tinurang iyon ng ama ay may nabuong pasya si Dentor. “Hindi Papa, d’yan
kayo nagkakamali. Ngayon pa lamang nagsisimula ang aking tungkulin sa lahing ito. Hindi ko kailangan nang publicity upang makita ng mundo ang aking kahalagahan. Napatunayan ko na ang aking sarili, at masaya na ako sa piling ng tribo. Nakahanda akong bigyan sila ng panibagong lahi at pag-asa. Ako ang magtatanim ng binhi na magtutuwid ng lahat ng landas. Ako ay mananatiling Apo Serang, ang pinuno ng tribong ito.”


Pagkasabi nito’y sinulyapan ang kasintahan na nuo’y nakapanungaw sa bintana
ng kubo.


Sa ‘di kalayuan, isang pulutong ang nagmamasid sa nagaganap nakasiyahan.
Walang kamalay-malay ang tribo ni Dentor hinggil sa nagbabadyang panganib. Hudyat na lang ng pinunong si Ling Wawa ang hinihintay para simulan ang pagsalakay. Naroon sa kasukalan nagtatago ang naturang lider ng kalaban. Hawak nito ng mahigpit ang sibat. Iniumang iyon at sinipat ang pakay.


Dalawang segundo… Tatlo… Pag dating ng lima ay pinakawalan ang sandatang
kikitil sa buhay ng isang bayani. Bumulusok iyon na animo’y isang kidlat. Natagpuan ang target. Tumama sa dibdib ni Dentor. Nabigla ang binatang pinuno. Biglang sumikip ang kanyang paghinga. Bagaman hindi na ramdam ng nagmanhid niyang katawan ang pagtarak ng sibat na iyon, alam niyang hindi siya makaliligtas sa lasong idudulot ng sandata.

Sa paghihingalo niya, nakita niya ang pagkabahala ng kanyang tribo. Wari’y
nabigla ang mga ito sa bilis ng pangyayari. Nakita niya si Munani na tumatakbo papalapit sa kanya. Naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ng mga malalakas na bisig. Saka pa lamang niya nadama ang matinding hapdi ng sugat. Napaungol siya.

Nakita niya ang kanyang ama at mga kaibigan na lumuluha kasama ng mga
tauhang tapat sa kanya. Naramdaman niya nang inihiga siya. Hindi na niya mawari kung saan siya dinala ng mga kasama. Basta ang alam lang niya’y nagsimula na ang digmaan.


Ang kahuli-hulihan na lamang niyang nasilayan ay mukha ni Munani na sa kabila
ng pagnanangis ay sadyang kaakit-akit. At nabakas sa mga labi ng dalaga ang katagang hindi na niya halos naunawaan, “Mahal...”



*****


December 15, 1999

Dear Sir,

Una sa lahat, nais kitang batiin ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! I
sa na naman palang taon ang nagbabadyang lumipas, at isang panibagong siglo ang nakatakdang sumibol.


Maaaring ito na ang huli kong liham sa iyo. At sa pang-apat kong sulat na ito, nais
kong wakasan ang huling bahagi ng makulay na buhay ng pinsan kong si Dentor, isang bayaning nagtanim ng punla kung saan umusbong ang isang binhi na marahil nga ay naging hudyat ng pagbabago para sa tribong Pulong-Pulong sa isang kasukalan ng Occidental Mindoro. Narito ang huling yugto ng mga kaganapang iyon:

Nangyari na nga ang hindi namin inaasahan. Mula sa di kalayuan ay kumawala
ang isang sibat na tumama sa dibdib ni Dentor Ramirez, alyas Apo Serang. Namatay ito sa kanlungan ng kasintahang si Munani. Iyon ang naghudyat ng giyera sa pagitan ng tribong Pulong-Pulong at ng grupo ni Ling Wawa. Sa engkuwentrong iyon ay tinamaan ng sibat ang ama ni Dentor na si General Arthur Ramirez. Malubha ang tama nito sa tagiliran. Ngunit makaraan ang halos kalahating taon sa ospital ay ligtas din itong nakatawid sa tiyak na kamatayan. Gayunpaman, ang lason ng sibat na iyon ay nagdulot ng malaking pinsala, naparalisa ang buong katawan ni Uncle. Kaming tatlo naman nina Michael at Don-Don, kasama si Tiya Isabel ay himalang nakatakas sa engkuwentrong iyon. Iniwan namin ang labi ni Dentor sa pakiusap na rin ng tribo na sila na ang magbibigay ng seremonyas sa kanilang pinuno sang-ayon sa kinagisnang ritwal. At marahil nga sa takot na maipit sa gulo, amin na lamang binitbit ang sugatang ama ni Dentor. Ipinangako namin sa aming mga sarili na hinding-hindi na babalik sa lugar na iyon. Ang mga sumunod na mga pangyayari ay ibinalita na lamang sa amin ni Tiya Isabel.


Ayon sa mga koneksyong tribo ni Tiya Isabel, tumagal nang halos tatlong araw
ang labanan. Sadyang napaghandaan ni Ling Wawa, pinuno ng mga kalaban ang pagsalakay na iyon. Sa bandang huli’y nasukol din ang grupo nito, sa tulong na rin ng tribong Lawan na sumanib sa tribo ng Pulong-Pulong. Nabihag ng grupo si Ling Wawa at pinatawan ng pinakamabigat na parusa sa salang pagtataksil sa sariling lahi.

Makaraan ang giyera, nagpadala si Tiya Isabel ng mga social workers at duktor
sa kagubatan upang asikasuhin ang mga pangangailangan ng naturang tribo. Mainit namang tinanggap ng mga ito ang mga tauhan ng gobyerno. Ayon pa sa balita, nagbunga ang pag-iibigang Dentor alyas Apo Serang at Munani. Pinangalanan ang sanggol na lalaki bilang 'Mohala'. Nagmungkahi ang mga social workers na dalhin sa Maynila ang sanggol para mabigyan ng magandang kinabukasan. Ngunit tumanggi ang tribo. Anila si Mohala ay magsisilbi nilang prinsipe, ang binhing ipinunla ni Dentor sa katutubong lahi.

Magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasisilayan ang aking pamangkin sa
tribong iyon. Ngunit ayon na rin sa nakarating na mensahe, ang sanggol sa ngayo'y isa nang makisig na binata na may matatag na paninindigan, simbulo ng magiting nilang lahi. Gayundin, anila taglay ni Mohala ang katapatan at dedikasyon ng kanyang ama na nagmulat sa katutubo ng tamang prinsipyo at paniniwala.

Sa Maynila, isang seremonyas na lamang ang idinaos upang ganap nang
mailibing ang alaala ni Dentor. Tulad ng nakaugalian, nagdaos pa rin ng isang misa. Ngunit ang tanging laman na lamang ng ataol ay ilang litrato, mga damit, gayundin ang ilang mga importanteng gamit ni Dentor nung siya ay kapiling pa namin. Kakaunti lamang ang dumalo sa libing na iyon. Inisip na lang namin na maaaring wala nga gaanong kaibigan o kakilala si Dentor. Marahil nga ay malupit sa kanya ang mundo. O marahil iilan lang talaga ang nakakaalam na siya’y pumanaw na. Hindi ko rin namataan sa libing ang dating mga nang-bubuska sa kanya. Maaring sila ay nahihiyang masulyapan man lang sa huling pagkakataon ang kanilang inapi.

Mangilan-ngilan din lang ang nakakaalam sa tunay na nangyari. Halos lahat ay
naniniwalang aksidente ang ikinamatay ni Dentor, na nahulog ito sa bangin at hindi na nakita pang muli. Ang iba nama’y nag-akalang siya ay bihag ng subersibong grupo ng NPA at napatay sa engkuwentro sa pagitan ng rebelde at sundalo. Anupa’t ang iba’y nanghusga na si Dentor daw ay sumanib sa mga rebelde at kasalukuyang namumundok. Kung makapagsasalita lamang ang kanyang ama, isang kataga lang ang bibitiwan nito: “Bayani”.

Halos limang taon na ang nakalipas, mula nang maganap ang malagim na
trahedyang iyon, ngunit nananatili pa ring buhay sa aking isipan ang kagitingan ni Dentor. Sa tuwing naaalala ko ang mga iyon, napapangiti ako. Ang dating talunan at api ay isa na ngang bayani. At alam kong nariyan lang siya, buhay na buhay sa puso namin at sa puso ng kanyang tribong mahal.


Sa ngayon, mahinang mahina na si Uncle Arthur. Sabi ng duktor, hindi na rin daw
siya magtatagal. Sa mga nakalipas na taon, kumalat na ang lason sa buong katawan nito. Himala daw na umabot pa s’ya ng ganito katagal. Totoo ngang siya ay magiting na mandirigma. Kinaya niya ang lahat ng dagok na ito. Gayunpaman, masaya na rin kami at malapit nang matapos ang kanyang paghihirap. Sa wakas, makakapiling na rin niya ang mahal na anak na si Dentor, ang bayaning nagsakatuparan ng kanyang layunin at mga mithiin.


Hanggang dito na lamang. Sana ay naibigan mo ang kuwento at talambuhay ng
aking pinsan. Umaasa akong mabibigyan mo ng sapat na panahon ang bagay na aking hiling. Maraming salamat at mabuhay ka!




Gumagalang,


Dr. Rogelio Salvador
Child Psychologist
UNICEF
Toronto, Canada



******




Epilogo


Marami ng tao sa balkonaheng iyon. Mga ilang sandali pa’y magsisimula na ang
programa. Pumasok na ang ilang mga panauhin sa Auditorium, habang ako nama’y naghihintay ng hudyat sa aking orasan.


Kasalukuyan akong nasa lobby ng Philippine International Convention Center.
Ngayon ay Enero Abeinte-uno, taong kasalukuyan. Sa araw na ito ay pararangalan ang isang bayani. Si Ginoong Dentor Ramirez ay isa lamang sa sampung piling gagawaran ng Ulirang Makabayan Award. At isa ako sa mga panauhing pandangal para sa natatanging akdang naglalarawan ng makulay niyang buhay.


Si Dentor ang pangunahing tauhan sa aking nobelang ‘Binhi ng Katutubong Lahi’.
Dahil sa pagkaka-lathala ng nobela may ilang taon na rin ang nakalilipas, umusbong ang pangalang 'Dentor Ramirez' sa larangan ng public service. Siya ang nagtanim ng binhi na ngayo’y isang lahi ang umaani. Siya ang naging gabay at liwanag sa anino ng madilim nitong nakaraan. Nakapanghihinayang nga lamang at siya pa ang naging biktima ng kasakiman at pagkagahaman sa kapangyarihan ng isang aninong ligaw. Ang aninong ligaw na iyon ay isang halimaw na maaaring kumatawan sa kasalukuyang sakit ng ating lipunan.

Gayunpaman, namatay si Dentor na may tamis ang ngiti. Sa wakas, may isang
lahi na umangkin at nagtiwala sa kanyang katapatan sa kabila ng panunuya ng mundong kinagisnan. Humupa din ang galit at pagkawangis sa kanyang pagkatao.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni nang may tumapik sa aking balikat.
“Mr. Manolo Aldana?"

Bumaling ako sa tumawag, saglit na nagulat. “Dr. Rogelio Salvador,” pakilala nito,
sabay abot ng kamay.



DEAR PUBLISHER: If you want the full context of this novel, please contact me. The middle part of this novel were unfinished, but I can work on this upon request. You can find my contact numbers, full address and email address at the HOMEPAGE of my site.
*****

Next preview: The Flight to 187th Floor
(Short Story, copyrighted)

Old Mr. Dodgie is new to the big city. And entering a tall and strange
building proved to be a gigantic step for him. Not just a huge step though, but rather a flight to heaven... Or down through the gate of hell?

The 187th Floor poses some great mystery. Nobody seemed to know whether it
exist in the Moon Tower building, as it was only a supposed 150 storey structure. Crazy? But old and innocent Mr. Dodgie soon discovered its existence and takes him to one-of-a-kind travel in different time dimensions. To his amazement, everything that he is yearning for is there - his childhood memories and his dreams. Could it only be his imagination driving him nuts, or is this a solution to all his longings for a good life? Is the 187th Floor for real or a dead end entrapping and engulfing him nearer to his doom? A spell binding mystery with a touch of humor, caters to most young adults....
The Flight to 187th Floor. Read the Preview Pages
























mannydeguzmanartist
mannydeguzmanartist
Latest page update: made by mannydeguzmanartist , May 31 2009, 9:53 AM EDT (about this update About This Update mannydeguzmanartist Edited by mannydeguzmanartist

2 words added
2 words deleted

view changes

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.